Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

Pag-asa Mula Sa Dios

Maysakit ako na tinatawag na SAD o Seasonal Affective Disorder. Isa itong karamdaman na karaniwan sa mga taong nakatira sa mga lugar na nagkakaroon ng niyebe. Isa itong uri ng sakit kung saan nakakaramdam ako ng matinding lungkot tuwing panahon ng taglamig dahil natatakot ako na baka hindi na tumigil ang panahong ito.

Pero tuwing nagsisimula na ang panahon ng…

Totoong Pag-ibig

Namangha ako sa libu-libong kandadong nakasabit sa tulay ng Pont des Arts sa Paris. Nakaukit sa mga kandadong ito ang mga inisyal ng mga pangalan ng magkasintahang nagmamahalan. Simbolo ng wagas at walang hanggang pag-ibig ang bawat kandado. Noong 2014, tinatayang umabot na sa limampung tonelada ang timbang ng lahat ng mga kandadong nakasabit sa tulay. May bahagi na ng…

Binigyan Ng Pangalan

Riptide. Batgirl. Jumpstart. Ilan lang ito sa mga palayaw sa mga tagapangasiwa ng isang gawain na dinadaluhan ng pamilya namin. Hango sa mga nakakahiyang pangyayari, kakaibang gawi, o paboritong gawain ang mga palayaw na ito.

Mababasa rin sa Biblia na may mga katawagan o palayaw ang ilang mga karakter doon. Halimbawa, tinawag ni Jesus sina Santiago at Juan na “anak…

Pagtataksil

Noong 2019, ginunita sa buong mundo ang ika-500 anibersaryo ng kamatayan ni Leonardo da Vinci sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanyang mga obra sa mga art exhibit. Isa na rito ang The Last Supper o Ang Huling Hapunan.

Inilalarawan sa obrang ito ni da Vinci ang huling hapunan ni Jesus kasama ang Kanyang mga alagad na binabanggit sa Aklat ni Juan.…

Hahanapin Ka

Sa kagustuhan kong makita ang palabas ng mga nagmomotorsiklo, tumitingkayad ako para mapanood sila. Napakarami kasing tao. May napansin din akong tatlong bata na nasa puno sa ’di kalayuan. Hindi rin sila makasingit, kaya umakyat sila para makapanood.

Naalala ko sa mga batang iyon ang kuwento ni Zaqueo na umakyat din sa isang puno (LUCAS 19:2). Isang maniningil ng buwis…